6

Ika-28 ng Linggo: Mac OS 9, Jiu-Jitsu

 1 year ago
source link: https://jagtalon.com/2023/02/03/ika-28-ng-linggo-mac-os-9-jiu-jitsu/
Go to the source link to view the article. You can view the picture content, updated content and better typesetting reading experience. If the link is broken, please click the button below to view the snapshot at that time.

Ika-28 ng Linggo: Mac OS 9, Jiu-Jitsu

The iMac running HyperCard

English Version

Pinapahiram ng tito ko ang kanyang iMac G3 sa akin, at inuwi ko ‘to sa Philly nung isang araw. Mahilig akong gumawa ng zine sa HyperCard (Still Going at Cooking for Surveillance Capitalists palang sa ngayon), at sabik na sabik akong gumawa ng zine sa totoong kompyuter na makakapagpatakbo ng HyperCard!

Ang iMac ng tito ko ay meroong kasamang Mac OS X, pero sa pagkakaalam ko ang Mac OS 9 ay sakto sa mga kailangan ko dahil tumatakbo sa sistemang ito ang HyperCard, maraming ‘tong mga libreng napabayaang app na pwedeng patakbuhin, at mukhang mas magaan at mas mabilis din ‘to. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakagamit ng Classic Macintosh bukod sa loob ng isang emulator, kaya gusto ko rin subukan ‘tong OS 9.

Kaya bumili ako ng mga blank CD at saka CD writer din para ma-burn ko ang ISO ng Mac OS 9.2.2. Mukhang umaandar naman lahat!

The iMac running HyperCard
The installation wizard showing the progress for HyperCard

Kakasimula ko lang, pero gusto kong malaman kung ano ang pwede kong gawin bukod sa paggawa ng zine. Pwede siguro ako mag-programming? Pwede siguro akong maglaro? Pwede ko rin sigurong subukan ang PowerPC Challenge? Abangan ang susunod na kabanata!

Sa totoong buhay, nagaaral ako ng jiu-jitsu kasi medyo hindi na ako masyadong gumagalaw simula noong pandemya. Dalawang klase palang ang napuntahan ko kaya nahihirapan pa ako. Balak kong tumuloy magaral–sana matuto naman ako kahit konti.


[email protected] or @[email protected]


About Joyk


Aggregate valuable and interesting links.
Joyk means Joy of geeK